Info:
Song Title:
Balisa (Fated to Love You Intro Song used in Philippine tv)
Sang by:
Angel Macatuno
Description: This is the Filipino/Tagalized version of
I love him 99 times originally sang by Shorty Yuen.
Lyrics:
Sa tuwing ika'y aking nakikita
Ang ngiti ay abot sa tenga
Nananabik, nag-aantay ng 'yong pansin
Kahit saglit sumasaya na
At tuwing kapiling ka aking sinta
Kulang ang araw kapag kasama ka
Natutuwa, kinikilig sa 'yong lambing
Sana nama'y tuloy tuloy na
Balisa at nalilito ako sa iyo
Tunay ba ang pag-ibig mo?
Pinahirapan, sinaktan mo lang ang puso ko
Sana nga'y di na nagtagpo
Baby, honey mahal kita
'Di ko mapigil 'tong nadarama
Turuan man ang puso kong ito
Ikaw pa rin ang s'yang hinahanap hanap ko
Baby, honey ikaw na nga
Ikaw lamang, wala nang iba
Pangako ko laging nasa tuwina
Asahan mong tayo lang dalawa
'Pag may kausap, ka nang iba
May gigil akong nadarama
Naiinis, umaalma ang puso ko
Sana'y 'di na lang nakita
At tuwing kapiling ka aking sinta
Kulang ang araw kapag kasama ka
Natutuwa, kinikilig sa 'yong lambing
Sana nama'y tuloy tuloy na
Balisa at nalilito ako sa iyo
Tunay ba ang pag-ibig mo
Pinahirapan, sinaktan mo lang ang puso ko
Sana nga'y 'di na nagtagpo
Baby, honey mahal kita
'Di ko mapigil 'tong nadarama
Turuan man ang puso kong ito
Ikaw pa rin ang s'yang hinahanap hanap ko
Baby, honey ikaw na nga
Ikaw lamang, wala nang iba
Pangako ko laging nasa tuwina
Asahan mong tayo lang dalawa
Baby, honey mahal kita
'Di ko mapigil 'tong nadarama
Turuan man ang puso kong ito
Ikaw pa rin ang s'yang hinahanap hanap ko
Baby, honey ikaw na nga
Ikaw lamang, wala nang iba
Pangako ko laging nasa tuwina
Asahan mong tayo lang dalawa