Song Title:
Iiyak Na Lang
Sang by:
Calzada |
Lito Camo
Lyrics:
Dati laging magkatabi
Masaya araw at gabi
Magkasukob sa iisang bubong
Pareho ang ibinubulong
Mahal kita, mahal mo rin ako
Habang atin ang mundo
Para bang walang kapaguran
Ang ligayang nararamdaman
Isang iglap lahat ay nag-iba
Mga mata ngayo'y may luha na
'Di rin pala magkakasundo
Kaya biglang nagkalayo
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Dati laging naririnig
Ako lang ang bukang-bibig
At para bang ayaw maghiwalay
'Pag magkahawak ang mga kamay
Parang bula damdamin nawala
Kaya ngayon mata'y lumuluha
'Di rin pala tayo magtatagal
Meron ka ng ibang mahal
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Dati laging magkatabi
Masaya araw at gabi
Magkasukob sa iisang bubong
Pareho ang ibinubulong
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang
Iiyak na lang
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Ubos na yong luha ko
O manhid ka lang talaga
Alam ko may mahal ka ng iba
Kaya 'di na 'ko aasa