Amped Asia Forums - Asian Entertainment Forums

Full Version: Jaimie Rivera's Song for Cory Aquino: Maraming Salamat Po
You're currently viewing a stripped down version of our content. View the full version with proper formatting.
Song title: Maraming Salamat Po
Sang by: Jaimie Rivera

Description: this is Jaimie Rivera's song for Pres. Cory Aquino which she wrote on July 30, 2009. Cory died on August 1, 2009.

Lyrics:
Maraming salamat po
sa pagmamahal na dulot niyo
Sa aming lahat at sa aming mga anak
Sa bagong landas na aming tinatahak

Maraming salamat po sa di niyo pagsuko
sa inyong paglaban sa aming karapatan
sa pagsunod sa tama at hindi sa tiwali
napawi ang lungkot, nawala ang takot

Naging isa ang buong bansa, mayaman at mga dukha
natutong lumaban ng walang nasasaktan
Ang iyong mga kamay aming naging gabay
sa inyong pagdarasal nakamit ang tagumpay.

Maraming salamat po sa lakas ng loob
na inyong pinamalas hanggang sa wakas
sa kagandahang asal na inyong pinairal
aming tatandaan maging sa walang hanggan

*Naging isa ang buong bansa, mayaman at mga dukha
natutong lumaban ng walang nasasaktan
Ang iyong mga kamay aming naging gabay
sa inyong pagdarasal nakamit ang tagumpay
(repeat *)

Mula sa aming puso, maraming salamat po.
Reference URL's